Friday, December 15, 2023

Ang Peligrosong Droga

courtesy: Philstar.com
Isa sa mga pinakamapanganib at matitinding isyu sa panahong ito ay ang isyu ng droga. Hindi lamang ito nakakaapekto sa mga matatanda, nakakaapekto din ito sa kabataan at sa mga minordeng edad. May ibat ibang uri ng mga droga, kabilang na dito ang shabu, marijuana, cocaine, ecstacy at marami pang iba. Dumadami ang gumagamit ng droga sa ating bansa dahil sa pagkawalang bahala ng mga tao sa mga posibleng epekto ng droga sa kanilang buhay at kalusugan.


Mas lalong dumadami ang gumagamit ng droga sa ating panahon dahil naiinpluwensya ang mga kabataan na gamitin ito.  Ang pagkuha ng mga pinagbabawal na gamot ay naging mas simple at mas madaling makuha sa mga kamakailang panahon. Isa sa pinakasikat na ginagamit ng mga minordeng edad ay ang tinanatawag na ''Rugby". Ang Rugby ay isang uri ng drug inhalant na karaniwang ginagamit pang dikit ng sapatos o bag. Ang mga indibidwal ay naiimpluwensya na makisali sa paggamit ng droga bilang isang paraan ng pagtakas sa mga hamon at paghihirap na kanilang hinaharap sa buhay. Nung nagsimula ang termino ng dating presidente ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte noong 2016, ang tinutukang issue ng kanilang admnistrasyon ay ang War on Drugs. Naging pangunahing issue ito sa mga taong 2016 hanggang 2020 habang ipinapakita ng administrasyong Duterte ang lawak ng mga problemang may kinalaman sa droga at ang pagkakasangkot ng maraming indibidwal sa buong bansa. Sinilusyonan ng administrasyong Duterte at pinababa ang percento ng mga gumagamit ng droga sa bansa sa pamamagitan ng agresibong paraan at desiplina na isinigawa ng administrasyon. 


Gabay ang kinakailangan upang hindi lumala at dumami ang mga gumagamit ng droga sa pilipinas. Ang paggamit ng mga gamot ay malubhang nakakaapekto sa katawan at pangkalahatang kalusugan. Sa aking palagay ang pagtugon sa pag-abuso sa droga ay dapat isa sa mga pangunahing priyoridad ng gobyerno sa kasalukuyan, dahil isa itong laganap na isyu na may malaking epekto sa buhay at kinabukasan ng mga Pilipino. Binabago ng droga ang kilos at pagiisip ng tao na nagdududlot ng pagawa ng krimen, paglabag sa batas, rape atbp. Sa tingin ko ay hindi madali ang solusyonan ang paglaganap ng droga dahil hindi natin ito makokontrol kaya dapat natin tulungan ang gobyerno upang mapabawasan ang paglala ng isyung droga sa ating bansa. 

























4 comments:

  1. Salamat sa pagbibigay kaalaman tunkol sa napapanahong isyung ito! Tama nga dapat natin gamitin ang ating boses at tulungan natin ang ating gobyerno upang mapabawasan ang isyung ito!!

    ReplyDelete
  2. Nagusustohan ko talaga na napaka detalye ng Blog na ito na marami akong nalaman tungkol sa droga.

    ReplyDelete

Ang Peligrosong Droga

courtesy: Philstar.com Isa sa mga pinakamapanganib at matitinding isyu sa panahong ito ay ang isyu ng droga. Hindi lamang ito nakakaapekto s...